CHAPTER 14

7 1 0
                                        



SHANE

Nagising ako sa kung anong ingay ang narinig ko sa labas ng kwarto. Nakatulog kasi ako ulit pagkatapos ng usapan at pagbabantay kaninang madaling araw. Kaya heto at anong oras na ako nagising.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig at nakitang walang tao dito sa kwarto. Nilingon ko si Naz na mahimbing pa din ang pagtulog. Nilapitan ko siya at kinapa ang leeg at noo kung kamusta na ang temperatura niya.

His body is still at a high temperature, but not like earlier, when his body was shaking because of the fever. Kinuha ko ang batsiya at agad na lumabas para kumuha ng panibagong tubig.

Ingay agad nila Alec at Ciro ang nasalubong ko paglabas ng pinto.

"Oh! Mali pa!"

"Sabing mali nga ang hiwa! Hindi ganyan!" bakas ang frustration sa boses ni Alec.

"Can you shut that fucking mouth? And don't teach me because I know how to slice this!" mas inis na sabi ni Ciro sa kaibigan ko.

Kita ko naman kung pa'no nito tinaasan ng kilay ang lalaking nasa tabi niya lang.

"You know, but you keep slicing it in a thin slices!" sigaw nito harap-harapan. Agad naman napahawak sa tenga si Ciro dahil sa pagsigaw niya.

"What the hell?! Why are you shouting, I'm just beside you!" Ciro sounds so stress because of Alec.

"Pakialamero ka kasi, sabing ako na nga dahil halata naman sa itsura mo na hindi ka marunong. Kaya tabi na!" singhal ni Alec bago binangga si Ciro pagilid gamit ang balikat nito.

"No! You are the pakialamera here, you should shut your noisy mouth in the corner of this house!" ganti naman ni Ciro at pinipigilan si Alec sa pag bangga sakanya.

"Ano'ng noisy mouth ka jan, ha!" iritadong sigaw ulit nito.

They are both in the kitchen, slicing some vegetables but end up fighting about how to slice it! Napasapo ako sa noo dahil sa dalawang ito. Para kaming may dalawang aso at pusa na kasama na laging nagbabangayan makita lang ang mukha ng isa't isa.

May sapak ata sa ulo 'tong dalawa na ito.

"Looks like we are eating late this time. The chef's are fighting e."

Napalingon ako kay Paul na nakatingin din pala sa dalawa. Sa lakas ng boses nila ay talagang mapapansin sila ng mga tao sa loob ng bahay.

"Hoy! Hinay-hinay naman sa pagsigawan, puwede?" taas kilay ko sa dalawa.

"Great, go get this friend of yours. Tie her somewhere or just feed her to those zombie animals out there." aniya sa akin bago matalim na tumingin kay Alec.

"Anong ipakain ha?!"

Agad naman pinigilan ni Paul si Alec nang akmang susugurin niya si Ciro. Ang lalaki naman ay madilim lang na tumingin dito.

"Ang ingay mo." aniya.

Napakamot na lang ako sa ulo bago pumasok sa banyo at doon na lang kumuha ng tubig. Bahala kayo magpatayan diyan. Paglabas ay nilingon ko ang iba pa na nagsasahod ng balde dahil may mga tulo na din ang bubong ng bahay na ito.

"It's still raining until now." saad ko sa gilid nang nakadungaw na si Hael.

Kita kong nagulat siya ngunit agad din nakabawi. Tumango siya bago tiningala ang butas sa bubong.

"How's Naz?" aniya bago inayos ang balde sa pwesto.

"He still has a fever, but he's slowly recovering." simpleng sagot ko at inayos ang tuwalya na nasa hawak kong lagayan.

"We can leave once he's fine. The rain won't stop anyway, I think there's a typhoon." aniya bago ako nilingon.

"Yeah, really bad timing."

Nakangusong saad ko bago nagpaalam na dadalhin ko muna ang bagong tubig kay Naz. Tinawag ko na din si Paul para siya nalang ang magpunas sa katawan ni Naz. Maya-maya ay sabay-sabay na kaming kumain, nagkanya-kanyang usap naman sila sa kung anong bagay.

"Maybe we should investigate?" si Paul bago uminom ng tubig.

"We already did." si Ciro at sabay subo ng kanin.

"Ang masama lang nawalan ng signal." Iling ni Gene na tapos na sa pagkain niya.

Pinaguusapan kasi nila ang tungkol sa kutob nilang may misteryo sa likod ng pagkalat ng nakamamatay na virus na ito. At sa palagay ko ay totoong meron ngang salarin kung bakit ito nangyayari sa bansa ngayon.

"The details we have are not enough to dig more to know about this virus." aniya ulit.

"There's no signal now. What should we do then?" inosenteng tanong ni Jdee.

Walang sumagot at nagkanyang isip-isip na lang ang lahat. Hindi namin alam kung hanggang saan kami aabot, at may masama akong pakiramdam sa mga susunod na mangyayari kapag umalis na kami ulit.

"We can't do anything about that now. The important thing you should think about is how we can get out of here as soon as possible." I said with serious voice.

"Or else we are all gonna die like them." Hael said referring to those zombies.

Natahimik muli lalo ang lahat. Mukhang kinabahan dahil sa sinabi niya. Nagbuntong hininga nalang ako dahil posibleng mangyari iyon kapag hindi kami nagingat.

Maya-maya ay iniba na nila ang usapan. About naman sa trabaho nila ang tanungan.

"Naz is always flirting with our buddies, and all of them are used to it, so it's a normal thing at work." Kwento ni Gene. Agad naman nag-react si Alec at Paul.

"Makes sense." tango ni Paul.

"Halata naman kay bading." ngiwi ni Alec bago uminom ng tubig habang umiiling.

"True lang." gatong ko pa.

"How about you, Ciro? You are also part of the military, right?" si Paul.

Saglit lang na nilingon ni Ciro ang kaibigan ko bago nagpatuloy sa ginagawa sa laptop niya.

"Yes." sagot nito.

"Cyber security? How was the work experience there?" seryosong tanong ni Gene habang nakahalukipkip na nakaupo sa sofa.

"Yeah."

Hinintay namin ang idadagdag niya pero mukhang 'yun lang ang sinabi niya talaga. Dahil siguro sa pagka-busy sa ginagawa ay hindi niya na naiintindihan ang sinasabi ng mga kausap niya. Saglit silang natahimik bago nagsalita si Alec.

"Then, are you also stupid?" tanong nito.

"Yeah." diretsong sagot ni Ciro ng hindi namamalayan.

Agad nagpigil ng tawa sila Jdee at Paul dahil inamin niyang bobo siya. Gago talaga 'to si Alec, naghahanap talaga ng gulo. Napailing nalang ako.

"Wait-what did you call me?" mukhang natauhan na ito sa sinabi niya.

"Alam mo 'yung level of sense mo kausap parang pangalan mo." turo ni Alec sa ulo niya. Nagkunot naman ang noo ni Ciro.

"Zero!" asar ni Alec at inilingan ito habang naka-zero sign.

"Ano'ng sabi mo?!" gigil na sabi nito. Agad naman siyang niyakap ni Jdee para pigilan habang tatawa-tawa pa ang ka-buddy niya sa pang-aasar sakanya.

Natawa na lang din ako dahil sa kalokohan ng kaibigan ko. Mukhang nagtagumpay siya dahil habang lahat sila ay tumatawa, ang isa naman ay halos mapunit na ang mukha sa sobrang paglukot at sa masamang titig nito.

Habang nagkakatuwaan ang lahat sa bangayan ng aso't pusa namin. Nagulat kami nang patakbong lumapit sa amin si Seth hawak-hawak nito ang cellphone niya.

"We need to hurry! There's a message that a helicopter rescue will land at the Santolan evacuation centre tomorrow afternoon!"




*****

Don't forget to vote and comment! Happy reading^^

SECURE ZONE (COMPLETED)Where stories live. Discover now